-
Ano ang paboritong kulay mo?
Naisip mo na ba kung gaano kadali mamili ng paborito mong kulay noong bata ka pa? Nasa tiyan ka pa lamang, may paboritong kulay ka na, pink kapag babae ka at blue naman kapag lalaki. Nakagawian na yata ng mga nakakatanda ang ganoon. Lahat tayo mula pagkabata nakakahon sa kung ano ang idinidikta ng komunidad, kung ano ang idinidikta ng mga magulang natin at lahat ng nasa pwesto. Ngunit habang tayo ay nagkakaedad, tila yata humihirap na ang pumili. Lahat na ng kulay sa paligid mo nagiging maganda, namumulat ka na na ang bawat kulay pala ay may sariling ningning at silbi sa mundo. Mahirap na tuloy ang pumili, sumasakit na ang ulo mo…
-
Nakatingala sa Langit
Kanina pa ako nakatingala sa langit Ngunit nang tingnan ko ang orasan Wari’y di man lang gumalaw sa pagpihit Halos ako’y pagpawisan, Hindi malaman ang dapat maramdaman Alam kong ako’y nagkasala Sa iyo’y may hindi sinabi itong dila Ngunit sana ay iyong paniwalaan Wala kang dapat na paghinalaan Pag-ibig ko man ay hindi mo matanggap Pati pagmamahal ko’y waring hindi mo mahagilap Subalit sana nama’y masilip Sa puso kahit na katiting nitong pag-ibig Kung kailangan ang habangbuhay Para sa iyo’y bigyang patunay Ikaw ang nasa puso at isipan At gusto kong makasama magpakailanman *first published online on April 2, 2013
-
Today I received a miracle
Today I received a miracle and got my prayer answered. Exodus 20:8-11 “Remember the Sabbath day by keeping it holy. Six days you shall labor and do all your work, but the seventh day is a sabbath to the Lord your God.” Since our work trip was decided and I checked on the schedule, I have been anxious and worried about keeping my Sabbath since our sessions overflow until Saturday. I prayed to God that He lead me through it. Before I went to bed last night I asked God to help me not miss my Sabbath, and that I believe that He is a God that listens and will…
-
Never enough.
binigay mo na ang lahat pero hindi pa rin sapat apoy na noon ay naglalagablab unti-unti nang hindi tumatalab bakit ang hirap mong mahalin? bakit lahat ng sakrispisyo nami’y parang balewala pa rin? hanggang kailan isasantabi? buhay ng bawat isa’y sa’yo tinatangi karapat dapat ka ba sa bawat luha sa bawat pighati at pagtitiis? karapat dapat ka ba sa bawat pagsasakripisyo? sana oo, sana ramdam mo lahat ng ito, ay para sa iyo